Month: Oktubre 2024

Pagpili Sa Habag

Isang limang-minutong pinagdugtong-dugtong na video ng mga aksidente sa snow ang naging pokus ng isang palabas sa telebisyon. Mga video ng mga karaniwang tao - nagpapadulas sa bubong na balot ng snow, nadudulas habang naglalakad, at sumasalpok sa mga bagay-bagay ang nagbigay aliw sa mga manonood. Pinakamalakas ang tawanan kapag tila ba nararapat sa tao ang nangyari dahil sa sariling kalokohan.

Hindi masama…

Nasa Detalye Ang Dios

Hindi maganda ang linggo para kina Kevin at Kimberley. Lumala ang kombulsyon ni Kevin at kinailangan dalhin sa ospital. Dahil sa pandemya, lumalala rin ang pagkabagot sa bahay ng apat na anak na maliliit pa, magkakapatid na inampon nila. Idagdag pa na sa hindi maipaliwanag na pangyayari, hindi makaluto ng ulam si Kimberley mula sa mga bagay na nasa fridge.…

Dahilan Para Magalak

Napuno ang kuwarto sa simbahan ng nakahahawang kagalakan ni Glenda na kagagaling lang sa isang mahirap na operasyon. Nang papalapit siya sa akin para sa nakagawiang batian pagkatapos ng simba, nagpasalamat ako sa Dios sa maraming beses na nakibahagi si Glenda sa pagdadalamhati ko, marahang itinuro sa akin ang tama, at pinagtibay ang loob ko. Humingi pa nga siya ng…

Higit Pa Sa Salita

Isa si Thomas Aquinas (1225-1274) sa pinakatanyag na tagapag- tanggol ng mga paniniwala ng Simbahan. Isang mahalagang pamana niya ang kanyang Summa Theologica. Pero tatlongtaon bago siya mamatay, may naging dahilan para isantabi niya ang pagsusulat nito. Nang pinagbubulay-bulayan niya ang sugatan at duguang katawan ng kanyang Tagapagligtas, may nakita raw siyang pangitain na hindi niya kayang tapatan ng salita.…

Nagsalita Ang Dios

Taong 1876, sinabi ni Alexander Graham Bell ang kauna- unahang mga salita gamit ang telepono. Tinawagan niya si Thomas Watson: “Watson, pumunta ka dito. Gusto kitang makita.” Medyo paputol-putol at ‘di masyadong malinaw pero naintindihan ni Watson ang sinabi ni Bell. At ito na nga ang naging hudyat ng bagong bukang-liwayway sa komunikasyon ng mga tao.

Nadagdag ang bukang-liwayway ng…